Operasyon ng Pasig River Ferry System, tuloy na sa Lunes

MANILA, Philippines - Tuloy na sa darating na Lunes (Abril 28) ang operas­yon ng Pasig River Ferry System.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos silang makipagpulong  sa Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa  pinal na pagpapatupad ng pamasahe nito na P25 hanggang P50.

Napag-alaman na munti­k- muntikan nang hindi matuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Boat System  dahil wala pang pinal na desisyon kung magkano ang magiging pa­sahe rito.

Subalit ayon sa MMDA sa Lunes ay tuloy na ang operasyon nito at makaka­pag­ser­bisyo na ito sa mga mana­nakay.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, limang ferry stations ang bubuksan kabilang ang Pinagbuhatan Station sa Pasig City, Guadalupe Station sa Makati City, Sta Mesa, Escolta Station  at Intramuros Station sa Manila.

Nabatid dito na mayroon 25 hanggang 30 seating capacity ang bawat ferry boat kayat ito ay maluwag sa loob.

Bukod pa dito, inihayag din ni Tolentino na may tatlo pang private companies ang naaprubahan upang mag-operate sa mga biyahe ng Pasig River Ferry Boat.

 

Show comments