MANILA, Philippines - Nagpiyansa kahapon sa kasong grave coercion sa Taguig City Metropolitan Trial Court (MTC) si Bernice Lee, ang isa sa mga akusado nang pambubugbog sa TV host at aktor na si Vhong Navarro.
Nabatid na ala-11:00 ng umaga, dumating si Bernice sa sala ni Judge Bernard BernalÂ, Taguig City MTC, Branch 74 kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at abogado nitong si Atty. Howard Calleja.
Naglagak ng halagang P12,000 si Bernice bilang piyansa nito sa kasong grave coercion na kinakaharap nito. Si Bernice ay kapatid ni Cedric, isa sa tinuturing na principal na akusado sa pangÂgugulpi kay Navarro noong Enero 22, ng taong kasalukuyan.
Napag-alaman na si Bernice ay dinakip ng mga taÂuhan ng NBI sa bahay nito sa Greenhills, San Juan maÂtapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Bernal.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Bernice at muli itong bumalik sa tanggapan ng NBI para asikasuhin naman ang release order nito.
Napag-alaman pa rin na si Bernice ay hindi kasama sa mga ipinaaaresto ng Taguig City Regional Trial Court (RTC), Branch 271 hinggil sa kaso naman ng serious illegal detention.
Subalit masusing pinag-aaralan ng DOJ na maghain ng motion para maisama sa arrest warrant si Bernice at kasamahan pang si Jose Paolo Calma.