MANILA, Philippines - Handa na ang selda na posibleng paglagakan kina Cedric Lee at mga kaÂsamahan nito at tulad ng ibang preso, hindi anya sila bibigyan ng special treatment, ayon sa Bureau of Jail MaÂnagement and Penology (BJMP).
Ayon kay Sr. Supt. Romeo Vio, director ng BJMP-National Capital Region, inalerto na niya si Taguig City Jail warden Supt. Clement Laboy matapos na ipag-utos ni Regional Trial Court Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortez ang pagdakip kay Lee at kasamahan nito kaugnay sa pambubogbog sa actor na si Ferdinand “Vhong†Navarro noong nakaraang January 22.
Bukod kay Lee, ipinaÂaresto din sina Deniece Cornejo, Sajed Fernandez Abuhijleh (aka Jed FerÂnandez), Simeon Palma Raz Jr., at Ferdinand GuerreroÂ.
Sa ngayong arrest warrant, nakapaloob ang kasong serious illegal detention na non-bailable offense.
Pinatawad naman ng korte ang kapatid ni Cedric na si Bernice mula sa nasabing arrest warrant kabilang si Jose Paolo Gregorio Palma.
Ang grupo ni Lee ay nahaharap din sa kasong grave coercion, na bailable offense.
Gayunman, sabi ni Vio, ang korte pa rin ang may basbas kung ang mga akusado ay ididitine sa ilalim ng BJMP facilities.
“Just the same, alerto sila (Taguig City Jail) baka dyan i-commit sa kanila ang mga akusado,†sabi ni Vio sa pamamagitan ng text message.
Sinabi ni Vio na sumusunod lamang sila sa anumang iutos ng Korte.
Si Cornejo naman ay maaring ilagay sa piitan ng mga kababaihang preso.
Tulad ng ibang ordinaryong bilanggo, ang akusado ay isasailalim sa karaniwang proseso bago pumasok sa kustodiya ng BJMP.
Ang kasong rape na isinampa laban kay Navarro ay dinismiss kalaunan ng korte dahil sa kawalan ng ebidensya.