MANILA, Philippines — Nakalabas na ng bansa ang isa sa mga nambugbog sa TV host na si Vhong Navarro bago pa man lumabas ang arrest warrant, ayon Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes.
Lumabas ng bansa si Jose Paolo Calma noong Abril 10, isang araw bago ilabas ng Taguig Metropolitan Trial Court ang arrest warrant para sa kasong grave coercion laban sa kanya at kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at apat pa nilang kasamahan.
Inamin ni De Lima na nagkamali sila sa unang naipakalat na pangalan na “John Paul Calma†na pinagbasehan ng Bureau of Immigration.
Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness
Halagang P12,000 ang piyansa para sa grave coercion.
Samantala, hindi kasama si Calma sa mga pinaaaresto ng Taguig Regional Trial Court matapos silang maglabas ng arrest warrant para naman sa kasong serious illegal detention kahapon.
Walang piyansa ang naturang kaso.
Kaugnay na balita: Bernice Lee laya na matapos makapagpiyansa
Una nang nakapagpiyansa ang modelong si Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Bernice Lee para sa kasong grave coercion.
Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Cedric Lee, mixed martial artist Simeon "Zimmer" Raz at Ferdinand Guerrero.