MANILA, Philippines - Matapos na ibunyag ng pinaslang na si Chief Insp. Elmer Santiago ang pagkakaÂsangkot ng 30 pulis kabilang ang kanyang kaklase sa sindikato ng illegal na droga, nagpapasaklolo ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya nito.
Idinaan ng pamliya Santiago ang pormal nilang reklamo kay NBI Director Virgilio Mendez sa tulong ni Jonathan Morales at Ferdinand Magisa, Presidente at Chairman ng Anti Drug Advocate.
Idinahilan ng pamilya Santiago na wala silang tiwala sa pulis dahil naniniwala umano sila na pulis din ang nagpapatay kay Major Santiago.
Si Santiago na miyembro ng Philippine National Police Academy class 1996, at may ranggong Major ay nasa “floating status†sa Central Luzon Police Regional Personal Holding ang Administrative Unit bago ito napatay.
Matatandaang noong Abril 16, minamaneho ni Santiago ang kanyang sasakyan kasama ang kanyang asawa habang binabagtas ang lugar ng Mandaluyong nang ambusin sila. Idineklarang dead-on-arrival sa Victor Potenciano Medical Center sa EDSA ang biktima habang nakaligtas ang asawa nito.
Bago ang pag-ambush kay Santiago ay gumawa ito ng “plano†kung saan isinangkot nito ang kanyang kaklase at ilang ilang opisyal ng pulis sa sindikato ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan ilang nakadeÂtineng drug lords ang umano’y nagpapatakbo ng operasyon sa loob. Ang naturang “plano†ay ipinadala kay Philippine National Police chief Director General Alan Purisima.
Ang Eastern Police District (EPD) ay nagtatag ng isang special investigation task group sa pagkamatay ni Santiago subalit tumanggi ang pamilya ng napaslang sa paniniwalang pulis din ang may kagagawan ng pagpatay sa kanya.