Napoles ooperahan ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong araw inaasahang sasailalim na sa operasyon ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Kinumpirma ito kahapon ni Atty. Faye Singson, abogado ni Napoles, na ngayong gabi ay matutuloy na ang ope­rasyon sa kanyang kliyente para alisin ang bukol na tumubo sa matris nito.

Ayon kay Atty. Singson,  nakausap niya si Napoles noong Sabado de Gloria  at sinabi sa kanya na Martes ng gabi ito ooperahan matapos itong sabihan ng kanyang mga doktor.

Nabatid, na natagalan lamang ang pag-iskedyul sa pag-opera kay Napoles dahil sa sumailalim pa ito sa biopsy kung saan  kinakailangan pang kuhanan ito ng sample tissue upang mabatid kung ang bukol na tumubo ay cancerous at hindi naging normal ang blood sugar level at blood pressure nito.

Matatandaan na noong Abril 8 nang sumailalim sa biopsy procedure si Napoles at simula noong ay hindi na naglabas ng medical bulletin ang kanyang mga doctor.

Show comments