^

Metro

1 patay, 10 sugatan: 3 sunog sumiklab sa Caloocan, Malabon at Maynila

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong sunog ang sumiklab sa magkakahiwalay na  insidente sa Caloocan, Ma­labon at Maynila kung saan isa ang namatay habang 10 ang  nasugatan at isa ang nawawala.

Si  alyas Ricky, 46-anyos, ng BMBA Compound, 2nd Ave. Caloocan ay na­matay sa sunog habang nagtamo ng 2nd degree­ burns sina Bgy. Chair­man Antonio Duran, ng Brgy. 120; Cristina Navarro; Allan Pineda, at Lea Chua na nahirapang makahinga nang magsimula ang sunog dakong alas-5:25 kamaka­lawa ng hapon. Sinasabing  nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jojo Esperida na mabilis na kumalat dahil pawang yari sa light materials ang mga bahay sa lugar. 

Umabot sa general alarm ang sunog makaraang mahirapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar sanhi ng masisikip na mga eskinita. Dakong alas-2:50 na ng madaling araw nang magdeklara ang BFP ng fire under control. Aabot sa 500 kabahayan ang natupok habang nasa higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan kung saan P3 milyon ang ari-ariang nasira.

Samantala, hinahanap naman si Elizabeth Villegas, isang paralitiko, makaraang mawala sa kasagsagan ng sunog na sumiklab dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon sa may Palmario Pilapil St., Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod habang isinugod naman sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng 2nd degree burns sina Virginia Baldebiso, 66; mister na si Domingo, 67; paso sa likod naman ang ina­bot ni Antonio Sidayon, 76, at kaanak na si Janno Criss Baldebiso, 22; nagtamo naman­ ng paso sa ibabang bahagi ng katawan sina Servino Tremposa, 70; habang bahagyang na­kuryente naman si Rinty Marquez, 19.

Alas-11:30 naman ng tanghali kahapon nang magsimula ang sunog sa tindahan ng second-hand refrigerators sa Roberto Oca St. (dating Aduana St.), sa Port Area.

Ayon kay Fire Inspector Generoso Juico, ang sub-station commander ng Arro­ceros Fire Station, mula sa shop ng isang kinilala sa pa­ngalang Rashid ay gumapang ang apoy hanggang sa mga kalapit na establishment sa pagitan ng Philippine Red Cross (PRC) annex at  Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na ganap na nakontrol alas-12:19 ng tanghali.

Nabatid na may naputol umanong wire sa pinagkukumpunihan ng mga second- hand refrigerators kung saan nahulog umano sa lona kaya nagkasunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.

vuukle comment

ADUANA ST.

ALLAN PINEDA

ANTONIO DURAN

ANTONIO SIDAYON

BRGY

CALOOCAN

CRISTINA NAVARRO

SHY

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with