Surplus shops sa Maynila nasunog
MANILA, Philippines – Aabot sa P300,000 halaga ng ari-arian ang nasunog ngayong Lunes ng umaga sa pamilihan ng second-hand appliances sa may Port Area sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Senior Fire officer 3 Emmanuel Gaspar na nasa 80 tindahan ng mga kagamitan mula sa Japan ang nasunog.
Bandang 11:30 ng umaga nagsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Tumagal ng halos isang oras ang sunog bago naapula ng mga rumespondeng bumbero.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.
- Latest