MANILA, Philippines - Arestado ang 11 sabuÂngero makaraan ang dalawang sunod na pagsalakay ng pulisya ang isang iligal na tupada sa Valenzuela City nitong nakaraang Biyernes Santo.
Nabatid na dakong alas-8 ng umaga nang unang salakayin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang tupadahan sa may Lower Tibagan, Brgy. Ugong matapos na isang residente ang magsumbong sa nagaganap na iligal na sugal.
Nadakip sa operasyon ang anim na lalaki at nakumÂpiska ang dalawang paÂnabong na manok.
Ngunit tila hindi pa nadala, muling ipinagpatuloy ng mga promotor ang iligal na sugal nang makaalis ang mga pulisÂ. Muli namang sinalakay ng mga otoridad ang lugar dakong alas-5 ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa lima pang katao at pagkaÂkakumpiska sa apat pang panabong na manok.
Ayon sa pulisya, sa halip na magtika ay sinasamantala ng mga sugarol ang Biyernes Santo para sa iligal na sugal dahil sa paniwalang maging mga pulis ay walang pasok.