BI tatanggap ng 200 bagong immigration officers

MANILA, Philippines - Inihayag ng  Bureau of Immigration na 200 bagong immigration officer ang  kanilang  tatanggapin upang makatulong sa kanilang  hanay bunsod na rin ng pagdami ng bilang ng  mga turista na pumapasok sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred B. Mison, layon ng  dagdag na  manpower ng BI  na matugunan ang  target ng Department of Tourism  na makahikayat ng 6.8 milyon turista kada taon.

Paliwanag ni Mison, kailangan din na dumaan sa interview at evaluation ang sinuman at sakaling natanggap bilang civilian­ agents, ito ay itatalaga sa alinmang walong international airports at seaports.

Nabatid kay Mison  na sumasailalim sa mabusising pro­seso ng BI recruitment officials  ang  2,000 aplikante upang  mapili ang  tunay na kuwalipikado. Sinabi naman ni Atty. Elaine Tan, ang  hiring process ay bunsod na rin ng  kanilang  adhikain na  malinis ang  BI. “Good guys in, bad guys out,” ani Tan na technical assistant  ni Mison.

Itatalaga ang mga  bagong BI manpower  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, Laoag, Clark, Subic at Puerto Princesa, Iloilo, Kalibo, Cebu, Zamboanga, Davao at Ge­neral Santos City international airports.

 

Show comments