BI tatanggap ng 200 bagong immigration officers
MANILA, Philippines - Inihayag ng Bureau of Immigration na 200 bagong immigration officer ang kanilang tatanggapin upang makatulong sa kanilang hanay bunsod na rin ng pagdami ng bilang ng mga turista na pumapasok sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred B. Mison, layon ng dagdag na manpower ng BI na matugunan ang target ng Department of Tourism na makahikayat ng 6.8 milyon turista kada taon.
Paliwanag ni Mison, kailangan din na dumaan sa interview at evaluation ang sinuman at sakaling natanggap bilang civilian agents, ito ay itatalaga sa alinmang walong international airports at seaports.
Nabatid kay Mison na sumasailalim sa mabusising proÂseso ng BI recruitment officials ang 2,000 aplikante upang mapili ang tunay na kuwalipikado. Sinabi naman ni Atty. Elaine Tan, ang hiring process ay bunsod na rin ng kanilang adhikain na malinis ang BI. “Good guys in, bad guys out,†ani Tan na technical assistant ni Mison.
Itatalaga ang mga bagong BI manpower sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, Laoag, Clark, Subic at Puerto Princesa, Iloilo, Kalibo, Cebu, Zamboanga, Davao at GeÂneral Santos City international airports.
- Latest