MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos siyang saksakin ng kapitbahay dahil sa panghihikayat ng una na gumamit ng shabu ang 17-anyos na live-in partner ng suspek kamakalawa sa Pasay City.
Ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jomart Guarin, 23, isang tinted installer, nakatira sa #99 PAL Gate 1, Zone 19, Brgy. 184, Maricaban ng naturang lungsod, dahil sa tinamong isang tama ng saksak sa tiyan. Agad namang naaresto ang suspek na si Mark Joseph Palermo “alias Kabayoâ€, 21, ng naturang lugar.
Sa report sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Florencio Ortilla, alas-9:30 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sa PAL Gate, Andrew Avenue, Brgy. 184 na nauwi sa pananaksak.
Inamin ng suspek sa arresting officer na si SPO1 Genomar Geraldino, ng Pasay Police na kaya niya nasaksak ang biktima dahil hinihikaÂyat nito ang kanyang live-in partner na itinago sa pangalang Jonalyn, na tumikim ng shabu. Nang malaman umano niya ito, agad na sinugod at kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa maÂsaksak nito.