^

Metro

Deployment ng traffic enforcers, daragdagan ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magdaragdag ng deployment ng kanilang mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Miyerkules Santo para umasiste sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko kaalinsabay sa uwian ng marami at sa huling bahagi ng ultimate road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nabatid  kay MMDA Chairman Francis Tolentino na mariin nilang tututukan ang kabuuang  proyekto at hindi makaabala sa pagmamantina ng trapiko sa kahabaan ng EDSA Avenue. 
Ayon kay Tolentino, walong grupo ng MMDA Mobile Patrol Unit ang ita­talaga sa kahabaan ng EDSA simula ngayong Miyerkules Santo, alas-2:00 ng hapon upang umalalay mga motoristang maiipit sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
 Naglatag din ng mga alternatibong daan ang MMDA para sa mga provincial bus na gagamit ng EDSA.

Kahapon ay  humirit nga  ang DPWH na Martes pa lamang­  ng gabi ay  nais na nilang masimulan ang road re-blocking. Subalit hindi pumayag ang MMDA sa hirit ng DPWH sa pangambang makaabala ito sa mga papasok sa trabaho hanggang nga­yong  umaga.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KAHAPON

MAGDARAGDAG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MIYERKULES SANTO

MOBILE PATROL UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with