MANILA, Philippines - Bunga ng ulat na may mga barangay officials na umaabuso sa kanilang tungkulin, ipasasailalim ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAC) ang mga barangay official sa drug test.
Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte na siyang chairperson ng QCADAC, ito ay upang matiyak na hindi gumagamit ng bawal na gamot ang mga tagapagpatupad ng batas sa bawat barangay sa lungsod.
Ang hakbang anya ay baÂhagi rin ng kampanya na maÂibsan ang problema sa illegal drugs kayat para matiyak ang tagumpay nito ay kailangang mapasimulan ang kampanya sa mga opisyal ng barangay.
Plano rin ni Belmonte na bigyan ng kaukulang incentives ang barangay na lalabas na walang gumagamit ng bawal na gamot sa mga ito.
“What we need is to empower the youth, parents, the church and the barangays to address the drug problem in Quezon City. We all have a stake here and it is imperative that we work together since addressing the problem requires massive support among stakeholders,†pahayag pa ni Belmonte.