MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estudÂyante ng Ateneo ang pinaniniwalaang nagpaÂkamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang natagpuan sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Brian Lawrence Go.
Ayon kay Chief Insp. RoÂdelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit, nag-iwan ang biktima ng suicide note pero hindi naman detalyado ang nilalaman nito.
Sa ulat, si Go ay nadiskubre na lamang duguan at walang buhay ng kanyang kapatid na si Maria Alessandra sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa may Doña Hemady Extension, Brgy. Kristong Hari sa lungsod, alas-9:11 Lunes ng umaga.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Julius Balbuena, bago ang pagÂkakadiskubre sa biktima, pinuntahan umano ni Maria ang kuwarto ng kapatid para ito gisingin.
Nang hindi niya makita sa kuwarto ay tinignan nito ang kanilang CR kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng kapatid.
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang sentido na naglagos sa may kaliwang sentido.
Narekober sa lugar ang isang kalibre 9mm na pistola, at isang basyo ng bala nito.