Gusali, nasunog sa Mandaluyong City

MANILA, Philippines - Isang gusali ang nasunog sa Mandaluyong City kama­kalawa ng  gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa Mandaluyong, ang sunog ay sumiklab dakong alas-11:28 ng gabi sa isang training center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na matatagpuan sa  E. Reyes St. sa Brgy. New Zaniga sa lungsod.

Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na umabot sa 3rd alarm at idineklarang fire-out dakong alas-12:01 ng madaling-araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naturang sunog.

 

Show comments