MANILA, Philippines - Panibagong pasang krus ang malamang na dadanasin ng publiko partikular ng mga motorista ngayong Semana Santa dahil posibleng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
Posible aniyang magtaas ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ng 45 hanggang 65 sentimos sa kada litro sa presyo ng gasolina ngayon linggo.
Habang sa kerosene ay inaasahan naman magkaroon nang pagbaba ng presyo na nasa 20 hanggang 30 sentimos sa kada litro habang wala naman inanunsiyo sa paggalaw sa presyo ng krudo o diesel.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), mahigpit nilang babantayan ngayong Semana Santa ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo upang hindi magsamantala ang mga kompanya ng langis.