MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24, binuksan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Search for Miss Manila 2014.
Ayon kay City Development Informantion Service head Diego Cahagastian pangungunahan ng Manila Barangay Bureau, Liga ng mga Barangay at 897 barangay chairman ang paghahanap ng mga kandidato na may angking ganda at talino.
Bukod sa ganda at talino, dapat din ay may kakayahan ang Miss Manila 2014 na katawanin ang Pilipinas sa ibang panig ng mundo.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga nais na sumali sa tanggapan ng Office of the Secretary to the Mayor, Liga ng mga Barangay o maaring magtanong kina Jewel May Lobaton (09156548604); Monique Salcedo(5274989) at Carlos Celdran (09209092021).
Ang Miss Manila 2014 ay isang fund raising event para sa Manila Dialysis Center at iba pang proyekto ng MARE Foundation Inc.