MANILA, Philippines - Tila nabunutan ng tinik ang mga residente sa Pedro Gil, Gen. Malvar at Agoncillo St. sa Maynila matapos na malinis mula sa illegal terminal ang kaÂnilang lugar.
Ayon sa iisang pahaÂyag ng mga residente, maÂÂtagal na nilang inireÂreklamo sa mga nagdaÂang alkalde ang lugar suÂbalit ngayon lamang nabigyan ng solusyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pamuÂmuno ni Carter Don LogicaÂ.
Nagpasalamat din ang mga residente sa mabilis na pag-aksiyon sa kanilang reklamo.
Laking gulat ng mga driver at operators nang hatakin ng MTPB ang mga passenger jeep na nakahimpil sa lugar na mahigpit na ipinababawal dahil na rin sa reklamo ng mga residente.
Nabatid sa mga residente na halos ginagawa nang CR at tulugan ng mga driver at mga palaÂboy ang lugar kung saan nakatigil ang mga pampasaherong jeep na may biyaheng Guadalupe-Faura.
Halos wala na rin umanong madaanan ang mga tao dahil sa nagdoÂdoble parking pa ang mga jeep.
Tiniyak naman ni Logica na minomonitor na nila ang iba pang lugar na may illegal terminal at parking dahil nais ng city government na malinis ang mga lugar sa Maynila at mapaÂluwag ang daloy ng sasakÂyan.