^

Metro

800 brgys.‘no water’ sa Semana Santa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 800 barangay sa Metro Manila at Cavite ang makakaranas ng kawalan ng tubig sa panahon ng Semana Santa dahil sa flood inter­ceptor project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Dahil dito, naghahanda na ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng 67 water tankers na siyang magraras­yon sa mga apektadong kabahayan. Partikular na tututukan ay ang lugar ng Caloocan, Malabon, Navotas at Manila na siyang makakaranas ng 72 oras o  3 araw na walang tubig.

Bukod sa nakaantabay na water tankers ng Maynilad, may nakabinbin din request sa Manila Water at iba pang pribadong kompanya upang mapalawak ang bilang ng mga lugar na rarasyunan ng tubig.

 â€œThe private water vendors in our service area have closed shop and sold off their water trucks. This made the leasing of private water tankers for this interruption practically impossible,” ani Cherubim Mojica, Corporate Communications Head of Maynilad.

Gayundin, nananawagan din ang nasabing kompanya ng tubig sa mga pribadong kompanya, lokal na pamahalaan at ahensiya ng  gobyerno na mayroong kani-kanilang water trucks na maaaring mag­pahiram upang hindi masyadong maramdaman ang tatlong araw na kawalan ng tubig.

Makikita ang kumpletong listahan ng mga lugar na apektado ng water interruption schedules sa Maynilad website at http://www.mayniladwater.com.ph/news_center.php at ipalalabas din ito sa mga pahayagan sa darating na Lunes.

 

vuukle comment

CHERUBIM MOJICA

CORPORATE COMMUNICATIONS HEAD OF MAYNILAD

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MANILA WATER

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

METRO MANILA

SEMANA SANTA

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with