7 timbog sa aktong pot session bago orgy

MANILA, Philippines - Pito katao ang dinakip ma­karaang salakayin ng  pulisya ang isang bahay kung saan naaktuhan ang mga ito sa gitna ng pot session bago umano magsagawa ng sex orgy, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na suspek na nakilalang sina Jeffrey Sarmiento, Michael Dizon, Alvin Gon­zales, Johnny Young, Fernena Hembra, Roxanne Zuñiga at Jullie Ann Rubis, pawang mga naninirahan sa na­sabing lungsod.

Biniberepika pa ng pulisya ang totoong edad ng mga naaresto lalo na ang mga babae.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-7 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa isang bahay sa may A. Pablo St., Brgy. Karuhatan, sa naturang lungsod.

Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance operation ng pulisya ang naturang lugar dahil sa ulat ng talamak na bentahan ng iligal na droga at ginagamit na drug den ang naturang bahay.

Ayon sa mga pulis, may ulat din silang natatanggap na palagi ring may nagaganap na sex orgy sa naturang bahay.

Nakumpirma ito ng mga pulis sa pagkakadakip sa tatlong babae na hinihinalang pinaiiskor ng iligal na droga bago gamitin sa palit-palitang pakikipagtalik.

Show comments