Suspek sa Baguio massacre sumuko kay Isko
MANILA, Philippines – Sumuko kay Manila City vice mayor Isko Moreno ngayong Miyerkules ang itinuturong suspek sa likod ng pagpatay sa limang katao, kabilang ang tatlong bata sa isang apartment sa Baguio City nitong Linggo.
Nakilala ang suspek na si Philip Tolentino Avino, 31, ngunit itinanggi ang mga paratang sakanya.
Sinabi ng suspek na sakay siya ng bus pa-Maynila nang mangyari ang krimen.
Kaugnay na balita: 5 bangkay natagpuan sa Baguio apartment
Dagdag niya na isang frame-up ang nangyari.
Nitong Linggo ay natagpuan ang walang buhay na katawan nina Dave de Guzman, 7; Raymond Delmendo, 8; Joey Nociete Jr., 9; Jacquelyn Nociete, 19; at Jonalyn Lozano, 32 sa loob ng isang inuupahang apartment sa kalye ng Kayang sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa ina ng dalawang biktima na si Vilma Nociete, nakatanggap siya ng isang text message mula sa kanyang anak na may dumaang bisita bandang alas-4 ng hapon nitong Linggo.
Dagdag niya na kakilala raw ng ama ng mga biktimang Nociete ang bisita, ayon pa sa mensahe.
- Latest