^

Metro

‘No CCTV, no business’ isusulong sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang higpitan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang pagtatayo ng mga negosyo sa lungsod  sa oras na maipasa ang panukalang ordinansa na layong ga­wing “mandatory” ang pagkakabit ng “closed circuit television (CCTV)” ca­mera bago sila mabig­yan ng “business permit”.

Sa panukalang inihain sa Sangguniang Pang­lungsod, sinabi ni 1st Dis­trict Councilor Onet Henson na inaasahan niya na maraming krimen ang maiiwasan o kaya naman ay mareresolba sa oras na maging ordinansa ito at maipatupad sa lahat ng establisimiyento.

Ayon sa datos, maraming krimen ang mai­iwasan kapag nabatid ng mga kriminal na may nakakabit na CCTV at ma­rami ring kaso ang nareresolba o nauuwi sa pagkaaresto ng mga salarin kapag nakilala ang mga ito sa pamamagitan ng CCTV.

Kahit na hindi pa na­ipa­pasa ang naturang ordinansa, hinikayat ni Henson ang mga negos­yante at mga building administrators na magkabit ng CCTV para sa kanilang seguridad at maging sa kanilang mga kustomer o kliyente.

Gayunman, nilinaw ni Henson na sakop lang ng panukalang ordinan­sa ang mga negosyo na may sapat na pondo para makapagpakabit nito. Kailangan lamang umano na maipakita nila sa pamahalaang lungsod na wala silang kakayahan para magkabit nito sa maliliit na negosyo upang mabigyan ng mga kinakailangang permit.

Kasama rin sa panu­kala na maging prayoridad rin ng bawat barangay chair­man ang pagkaka­bit ng CCTV sa kani-ka­ni­lang nasasakupan.

 

AYON

CALOOCAN

COUNCILOR ONET HENSON

GAYUNMAN

HENSON

KAHIT

SANGGUNIANG PANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with