Negosyante hinoldap, P.3-M tangay
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P330,000 cash na benta sa pagbabagsak ng baboy sa palengke ng Blumentritt ang natangay ng apat na armadong lalaki na magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo nang holdapin sa panulukan ng Maceda at Dimasalang sts. ang 45-anyos na negosyante, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng tanghali.
Agad na dumulog sa tanggapan ni Chief Insp. Francisco Vargas, hepe ng Manila Police District-Theft & Robbery Investigation Section, ang bikÂtimang si Russel de Guzman, may-asawa, residente ng Miguelin St., Sampaloc, Maynila, matapos siyang mabiktima ng apat na hinihinalang holdaper dakong alas-11:40 ng tanghali sa nasabing lugar.
Galing umano sa nasabing palengke ang biktima matapos magdeliver ng baboy at maningil lulan ng stainless delivery van na markado ng “Meat Dealer†na minamaneho ni Ariel Peralta, 44, ng P. Guevarra St, Sta. Cruz, Manila nang salubungin sila at dikitan ng dalawang motorsiklo,
Agad na tinutukan ang driver ng kalibre .45 pistola at dalawang Uzi naman ang itinutok sa negosyante at saka kinuha ang dala niyang bag at mga wallet na naglalaman umano ng P330,000.
Nang makuha ang pakay ay pinasibad ng mabilis ang mga motorsiklo sa Dimasalang bridge patungo ng España.
- Latest