MANILA, Philippines - May 120 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay, sanhi umano ng napabayaang gasera sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SFO3 Mauricio Jose, tactical operations officer ng Quezon City Fire Station, nangyari ang sunog ganap na alas-8:20 ng gabi sa may Gilmore panulukan ng Hemady St., Brgy. Valencia.
Sinasabing nag-ugat ang sunog sa isang napabayaang gasera na ginamit bilang ilaw umano ng isa sa mga residente sa lugar, hanggang sa lumaki ito at madamay ang ibang kabahayan.
Dahil pawang mga gawa lamang sa mahinang klaseng materÂyales ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot hanggang sa Task Force Alpha.
Nahirapan ang mga pamatay-sunog na maÂapula ang apoy ng mga nagliliyab na kabahayan dahil sa bukod sa maÂkitid ang lugar ay nakaÂhambalang ang mga gamit ng mga nagsisiÂlikas na residente.
Nabatid na dakong alas-2 na ng madaling-araw kahapon nang tuluyang ideklarang “fire out†ng mga pamatay-sunog ang insidente kung saan umabot sa 40 kabahayan ang tiÂnupok ng apoy.
Tinatayang umaabot sa P1.5 milyon ang halaga ng ari-arian ang naabo sa nasabing sunog.