^

Metro

Naligo sa Manila Bay, sekyu dedo sa lunod

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding init ng panahon napilitang maligo  kahit ipinagbabawal ang isang security guard  sa Manila Bay kung saan siya nalunod sa bahagi ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na  si Freddie Castor Jr., tinatayang nasa edad 35-40-anyos at residente ng   Pitogo, Makati City. Siya  ay natagpuang patay sa maputik na bahagi ng Manila Bay sa Baseco ilang oras matapos itong maligo.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang makitang nagtungo sa dagat upang mag-swimming ang biktima malapit sa Block 8, Baseco,  Compound.

Ayon kay Rafael Ajero, 25, nagpapahinga umano siya kasama ang mga kaibigan sa may tabing dagat nang dumating ang biktima na nakasuot ng sando at short at lumangoy sa dagat nang mapansin umano ni Ajero na parang nalulunod ang biktima ay sinakyan niya ang isang improvised banca at tinangkang bigyan ng salbabida ang biktima subalit hinawi ito at ayaw tanggapin diumano.

Bumalik na sa mga kaibigan si Ajero at makalipas pa ang ilang minuto ay hindi na umano makita ang biktima.

Dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang makita ang bangkay ng biktima sa maputik na bahagi ng Manila Bay.

Ayon kay Vallejo, walang anumang sugat sa katawan ang biktima bagamat iimbestigahan pa rin kung nagkaroon ng foul play.

 

AJERO

AYON

BASECO

BASECO COMPOUND

BIKTIMA

FREDDIE CASTOR JR.

GLENZOR VALLEJO

MAKATI CITY

MANILA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with