Opisyal ng homeowners, utas sa ambush

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang opisyal ng homeowners association sa San Mateo Road sa Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si  Dix Tibi, 56 at board chairman ng Dakila Homeowners Association sa may Batasan Hills, matapos magtamo ng tama ng baril sa mukha.

Hindi naman inaalis ng pulisya na may kinalaman sa takdang election ng homeowners ngayong linggo ang motibo sa  krimen dahil tatakbo pa umano ang biktima bilang opisyales.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

 

Show comments