MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang biktima ng summary exeÂcution ang natagpuang lumuluÂtang sa Estero de San Miguel sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umagaÂ.
Napupuluputan ang buong ulo at mga kamay ng packaging tape ang hindi pa kilalang biktima, na isang lalaki, nasa 5’7’’ ang taas, katamtaman ang paÂngangatawan, may tattoo na mukha ni Mama Mary sa dibdib, may tribal tattoo sa kanang braso, nakasuot ng gray na sando at checkered na short pants.
Sa ulat ni SPO2 JoÂnathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 7:45 ng umaga nang itawag sa pulisya, ang nakitang bangkay sa nasabing estero na sakop ng Fraternal St.
Hindi umano kilala ang biktima sa lugar kaya poÂsibleng sa ibang lugar ito pinatay at itinapon sa estero o dayo lamang ito at sa hindi kalayuan lamang ito pinatay.
Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakilanlan ng biktima at sa motibo sa krimen.