MANILA, Philippines – Iginiit ng doctor ng Ospital ng Makati ngayong Martes na walang VIP o special treatment sa kanilang high profile na pasyenteng si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Dr. Ismael Peralta na pantay-pantay ang kanilang pag-aasikaso sa lahat ng pasyente kabilang ang negosyanteng si Napoles.
"She's not affecting the other patients. We have protocols. There is no VIP treatment, based on the principle how the hospital is being operated... hindi napapababayaan yung ibang pasyente namin," pahayag ni Peralta sa isang pulong balitaan.
Kaugnay na balita: Napoles dadalhin sa OsMak ngayon
Dagdag niya na ang kanilang security guards ang nakatao sa pasukan at labasan ng ospital.
"If you notice, all entrances all exits are manned by our security personnel... yung internal security, we leave it up to security team deployed or assigned to Mrs. Napoles."
Samantala, ayaw na namang magbigay pa ni Peralta ng detalye sa mga gagawing operasyon kay Napoles.
"I cannot divulge any information on the treatment...we are not only looking at problem of a reproductive organ...based on initial plan, may procedure na kaming gagawin bago yung medical procedure mismo," sabi ng doktor.
Dumating kagabi sa OsMak si Napoles mula sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna matapos payagan ng korte na operahan ang kanyang matres na may bukol.