^

Metro

Naglaro sa may riles 2 paslit hagip ng tren ng PNR, sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parehong sugatan ang magpinsan na kap­wa 7-anyos matapos masagi ng isang tren habang naglalaro sa PNR site, Taguig City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Ta­guig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina Ara Mae at Jericho Magbutong, nakatira sa North Daang Hari, Brgy. Bicutan, Taguig City.   

Samantala, hindi naman huminto ang tren na nakasagi sa nabanggit na mga biktima­.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Taguig City Police Traffic Enforce­ment Bureau, naganap ang insi­dente alas-10:00 ng umaga sa North Bound Daang Hari St., Brgy. Bicutan ng nabanggit na lungsod habang naglalaro ang magpinsang bik­tima at hindi namalayan ang isang paparating na tren dahilan upang masagi ang mga ito. Nabatid na tumilapon ng ilang metro si Jericho.

Dahil sa hindi pag­hinto ng operator ng train kung kaya’t ang guwardya ng Philippine National Railways (PNR) ang nagsugod sa mga biktima sa na­turang ospital.

Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

 

vuukle comment

ARA MAE

BICUTAN

BRGY

JERICHO MAGBUTONG

NORTH BOUND DAANG HARI ST.

NORTH DAANG HARI

PATEROS DISTRICT HOSPITAL

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with