MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang kanyang mga tauhan na isaisip at pairalin ang ipinatutupad na ‘one strike policy’.
Ang paalala ni Logica ay bunsod na rin ng pagkakaÂsangkot ng ilang mga traffic enforcers sa reklamo ng mga nasisitang motorista.
Ayon kay Logica, dapat anyang gamitin ng mga enforcer o elite ang kanilang mga natutunan sa kanilang training hinggil sa tamang sistema ng paniniket at pakikipag-usap.
Aniya, mahigpit ang kaÂutusan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa pagpapaÂtupad ng ‘one strike policy’ alinsunod na rin sa hangarin na malinis ang hanay ng mga enforcers na nagsasaayos ng daloy ng trapiko.
Paliwanag ni Logica, walang puwang sa MTPB ang mga enforcers na mas pinaiiral ang masamang sistema habang pursigido naman ang city government na malinis ito mula sa mga katiwalian.
Kamakalawa ay sinibak ni Logica si Marcial Villanueva, nakatalaga sa Pandacan, Maynila matapos na sitahin ang isang motorista. Hindi tinikitan ni Villanueva ang kanyang sinita at sa halip ay itinakas ang lisensiya.