^

Metro

MTPB chief nagpaalala vs ‘One Strike Policy’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni  Manila Traffic and  Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang kanyang mga tauhan na isaisip at pairalin ang ipinatutupad na ‘one strike  policy’.

Ang  paalala ni Logica ay bunsod na rin ng pagkaka­sangkot ng ilang mga traffic enforcers sa reklamo ng  mga nasisitang motorista.

Ayon kay Logica, dapat anyang­ gamitin ng mga enforcer o elite ang kanilang mga natutunan sa kanilang  training hinggil sa tamang  sistema ng  paniniket at pakikipag-usap.

Aniya, mahigpit ang ka­utusan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa pagpapa­tupad ng ‘one strike policy’  alinsunod na rin sa hangarin na malinis ang  hanay ng mga enforcers na nagsasaayos ng  daloy ng trapiko.

Paliwanag ni Logica, walang­ puwang sa MTPB ang mga enforcers na mas pinaiiral ang masamang sistema  habang pursigido naman ang  city government na malinis  ito mula sa mga katiwalian.

Kamakalawa ay sinibak ni  Logica si  Marcial Villanueva, nakatalaga sa Pandacan, Maynila matapos na sitahin ang isang  motorista. Hindi tinikitan ni Villanueva ang kanyang sinita at sa halip ay itinakas ang  lisensiya.

 

ANIYA

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

LOGICA

MANILA TRAFFIC

MARCIAL VILLANUEVA

PARKING BUREAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with