MANILA, Philippines - Dalawa katao ang sugatan matapos sumabog ang tangke ng isang superkalan sa isang bahay sa Taguig City, kahapon.
Kapwa nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga bikÂtimang sina Arnel Gonzales, deÂlivery boy at Christian Rapita, 17-anyos. Nagtamo ang mga ito ng 1st degree burn sa mukha at mga kamay.
Lumalabas sa imbestigasÂyon nina PO3 Roger Aquilesca at PO3 Alan Corpuz, ng Homicide Section, Taguig City Police, naganap ang pagÂsabog ng superkalan paÂsado alas-11:00 ng tanghali sa bahay ni Elizabeth Rapita sa Manalili St., Brgy. Central Signal Village.
Napag-alaman na bago nangyari ang pagsabog, nagÂpa-deliver ng tangke ng superkalan si Rapita at si Gonzales ang nagdala nito sa kanilang bahay.
Nabatid, na naikabit na ni Gonzales ang burner nang ipatanggal ulit ni Rapita para linisin, ang hindi nila napansin, may nagluluto rin sa naturang bahay na gamit naman ay uling kaya nang matanggal ang burner, nagkaroon ng pressure at nag-leak ang gas sa tangke kaya ito sumabog.