MANILA, Philippines - Magdadagdag ng enforcer ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong at umasiste sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko kaugnay sa isasagawang Evangelical Mission o Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo (INC) ngaÂyong araw na ito sa lungsod Quezon.
Bukod sa traffic marshall ng INC, tutulong din ang mga enforcer ng MMDA at maging ang mga traffic enforcer sa lungsod Quezon para sa naturang event.
Sa advisory ng MMDA ay bawal din aniyang magparada ng sasakyan sa gilid ng Commonwealth Avenue pa-southbound upang hindi na makadagdag pa sa pagsisikip ng trapik.
Wala pa namang takdang oras kung anong oras muÂling bubuksan sa motorista ang apektadong bahagi ng Commonwealth Avenue dahil hihintayin muna nilang matapos ang event.
Samantala, naglatag na rin ang MMDA ng traffic re-routing at pinayuhan ng ahensiya ang mga motorista na huwag munang dumaan sa mga lugar na apektado ng naturang event para hindi maabala ang mga ito.