MRT muling nagkaaberya
MANILA, Philippines - Muling nadismaya ang maÂraming pasahero matapos muling magkaroon ng aberya at pansamantalang pagkaparalisa sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa bahagi ng Gil Puyat AveÂnue, Makati City hanggang Taft Avenue, Pasay City dahil sa communication at signaling system, kahapon ng umaga.
Sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol, alas-7:00 ng umaga naging limiÂtado ang biyahe ng kanilang mga train mula North AveÂnue hanggang Shaw Boulevard sa magkabilang linya.
Pagsapit ng Shaw Boulevard ay pinababa na ang mga pasahero kaya’t mula sa Boni Station at hanggang Buendia ay itinigil na rin ang biyahe dahilan upang maapektuhan ang Gil Puyat AveÂnue Station hanggang Taft Avenue Station.
Ayon kay Vitangcol halos kapareho ang naging problema ng train noong Sabado dahilan upang magpatupad sila ng provisional service.
Aniya nagkaroon ng proÂbÂlema sa communication at signaling system mula sa Buendia Station hanggang Taft Avenue kaya’t hininto ang biyahe ng kanilang mga train.
Subalit makalipas ang dalawang oras ay naibalik na muli sa normal ang opeÂrasyon ng MRT alas-9:25 ng umaga
Dahil rush hour maraÂming mananakay ang nagalit at nainis sanhi ng perwisyong idinulot nito sa pagpasok nila sa trabaho.
Nabatid, na noong SaÂbado ng hapon ay nagkaÂaberya rin ang biyahe ng MRT3 mula Shaw Boulevard hanggang sa Taft-EDSA AveÂnue matapos maÂhinto ang operasyon sa magkaÂbilang linya dahil sa isang computer malfunction.
- Latest