MANILA, Philippines – Lumusot sa University Council ng University of the Philippines (UP) Diliman ang mungkahing iusog sa Agosto ang pagbubukas ng klase.
Sa botohang 284-164 ay lumamang ang mga pabor sa pag-uusog ng pagbubukas ng klase sa Agoso mula sa nakasanayang buwan ng Hunyo.
"Today, the UP Diliman University Council (composed of all assistant professor to full professors) by a vote of 284-164 decided to support the shift in the academic calendar of UP Diliman from June to August 2014. Chancellor Michael Tan will now bring this sentiment to the next UP Board of Regents meeting on March 28 for approval. With this development, all UP constituent units will start the school year in August 2014," pahayag ng pamantasan sa kanilang Facebook page.
Lumabas ang desisyon sa kabila ng mga reklamo at pagkontra ng mga estudyante at mga propesor sa mungkahi dahil sa anila’y maraming conflict tulad ng internship programs, board at bar exams.
Nauna nang napagdesisyunan ng UP Board of Regents na iusog sa Agosto ang pagbubukas ng klase sa lahat ng UP sa buong bansa maliban sa Diliman kaya naman ipinaubaya na nila ito sa UP Diliman University Council.
Inilipat ang pasukan upang maisabay sa ibang pamantasan sa timog-silangang Asya.