MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng patuloy na kampanya ng lungsod ng Maynila laban sa illegal na sugal, pitong video karera machines ang kinumpiska ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA).
Batay sa report na isinumite ni Sr.Insp. Ness Vargas kay MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., nakuha ang mga VK sa Osmeña (1), Quezon (1), Bilbao Sts. (2) at sa NHA Housing Aroma Cmpd. Road 10 (3), pawang nasasakupan ng Tondo, Maynila.
Lumilitaw sa report na nakatanggap ng tawag ang MASA mula sa isang concerned citizen at inirereklamo ang umano’y talamak na VK sa lugar. Agad na inutos ni Irinco ang surveillance kung saan mabilis namang umaksiyon ang tropa ni Vargas.
Dakong alas-7 ng gabi noong Biyernes nang saÂlakayin ng mga awtoridad ang mga nasabing lugar at sabay-sabay na kinumpiska ang VK.