Mobile car hinagisan ng granada
MANILA, Philippines - Masuwerteng nakalabas ng sinasakyan nilang mobile patrol car ang apat na pulis na rumesponde sa isang tawag bago sumambulat ang isang granada na inihagis ng hindi pa nakiÂkilalang salarin, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Gayunman, tatlo katao na pawang nakatambay sa tabi ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) ang naÂsugatan na nakilalang sina Serdan Damca, 40; Rene Gallarona, at Ferdie de la Cruz, 27.
Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Women’s and Children’s Desk ng Malabon City Police upang arestuhin ang isang John-John Wagas, 31, sa may Vitas, Tondo, Maynila dakong alas-2 ng madaling araw.
Bunsod ito ng reklamong pambubugbog sa kinakasama at anak na nene ng suspek na si Wagas sa Brgy. Longos, Malabon. Itinuro ng kinakasama ni Wagas na nagtatago ito sa Vitas, Tondo.
Nakipagkoordinasyon naman ang mga tauhan ng MalaÂbon Police sa Manila Police District (MPD) para sa isasagawang operasyon sa pagdakip kay Wagas. Ipinarada ng mga pulis ang kanilang mobile patrol car (SKW-997) at kalalabas lamang ng apat na pulis na sakay nito nang sumambulat ang malakas na pagsabog.
Nabatid na wasak na wasak ang patrol car ng Malabon City Police. Nang inspeksyunin ang lugar ng pagsabog, isang safety pin ang natagpuan kaya hinihinalang isang fragmentation grenade ang inihagis ng mga salarin.
Sa rekord naman, dati nang nagkasagupaan ang isang grupo ng mga Badjao na Muslim at mga pulis sa naturang lugar at maaaring paghihiganti sa mga pulis ang motibo ng paghahagis ng granada. Patuloy naman ang imbestigasyon ng puwersa ng Malabon Police at MPD sa naturang inÂsidente.
- Latest