Kelot dinedo dahil sa droga
MANILA, Philippines - Hinihinalang onsehan sa iligal na droga ang motibo ng pamamaslang sa isang lalaki na pinagbabaril na posibleng mga miyembro ng isang sindikato, kamaÂkalawa ng gabi sa Caloocan City.
Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 at 9mm na baril sa kaÂtawan ang biktimang naÂkilalang si Edson Aguilar, 32, alyas Bobo, ng Phase 8A Package 10, Block 150, Lot 4 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.
Isang alyas “Carim/Maranaw†at isa pang hindi nakilalang lalaking kasamahan nito ang pinaghahanap ngayon ng pulisya.
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang huling makita ang biktima kausap ang mga suspek sa isang madilim na eskinita. Humantong ang pag-uusap sa pagtatalo hanggang sa sunud-sunod na putok ng baril ang umaÂlingawngaw.
Duguang bumulagta si Aguilar habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek tungo sa hindi mabatid na direksyon.
Sa salaysay ng misis ng biktimang si Marivic, alam niyang sangkot sa iligal ng bentahan ng droga ang kanyang mister at madalas nga niya itong pagsabihan ng huminto na subalit nagpatuloy pa rin ito.
Posibleng ito umano ang dahilan ng pamamaslang sa biktima.
- Latest