MANILA, Philippines - Dahil sa ilang sunud-sunod na insidente nang pananaksak na ikinasawi ng ilang preso at ikinaÂsugat ng iba pa, sinuspinde simula kahapon ang dalaw sa mga bilanggo.
Sinabi ni NBP SupeÂrintendent Fajardo LanÂsaÂngan, ang aksyon ay kaÂnilang ginawa para maÂtiyak ang kaligtasan ng mga dalaw sa loob ng naturang bilangguan sa kaÂbila na kontrolado na ang sitwasyon ng mga nagkabanggaang grupo, ang Batang City Jail Gang at Sigue-Sigue SputÂnik Gang.Â
Nabatid na kapwa luÂmagda ang mga lider ng nabanggit na mga gang sa manifest of understanding and peace commitment para matigil ang kanilang labanan at panatilihin ang kapayaan sa nabanggit na bilangguan.
Kahit aniya kontrolado na ng pamunuan ng NBP ang sitwasyon ng dalawang gang, ipinapatupad pa rin nila ang padlock policy at patuloy ang isasagawang paghahalughog sa mga selda para samsamin ang mga armas at patalim na pinupuslit ng ilang matiÂtigas na inmate dito.
Nabatid, na noong Martes ay nakakumpiska ang pamunuan ng NBP ng mahigit 100 improvised icepick at iba pang patalim.
Sinabi pa rin ng NBP, na mariing ipinag-utos sa kanila ni Department Of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima ang mas mahigpit na seguridad at mas maraming surprise insÂpection sa bilangguan.