MANILA, Philippines - Patay ang isang binaÂtilyo habang kritikal naman ang isa pang paslit makaraang barilin ng isang secuÂrity guard na nagbabantay sa mga nakaparadang barko at lantsa sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Roland Dagudoy, 17, 4th year high school student, ng C. Arellano St., Brgy. San Agustin, Malabon habang inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 10-anyos na si Christian Santos, grade 4 pupil.
Naaresto naman sa ikinasang operasyon ang suspek na si Jose Jungle Gonorga, 25, security guard ng isang shipyard sa may DRB Compound sa #32 C. Arellano Street, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Malabon Police, naliligo ang dalawang biktima kasama ang isa pang barkada dakong alas-6 ng hapon nang umaliÂngawngaw ang magkakasunod na putok ng baril. Dito duguang bumulagta sina Dagudoy at Santos na agad na sinaklolohan ng kabarkadang si Erwin at humingi ng tulong para maisugod ang mga biktima sa pagamutan.
Hindi na umabot nang buhay sa JRMMC si Dagudoy dahil sa tama ng bala sa kaliwang mata habang malubha naman si Santos na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang mukha.
Ayon sa suspek na si Gonorga, inakala niyang mga magnanakaw na tumatangay ng mga bakal sa shipyard ang mga suspek na ginagamit ang ilog sa pagpuslit sa compound. Itinanggi rin naman nito na sadya niyang binaril ang mga biktima dahil sa umano’y nadapa lamang siya at aksidenteng pumutok ang kanyang baril.