MANILA, Philippines - Natuklasang fetus ang sanhi sa pagbabara ng inidoro sa isang paupahang apartment sa Binondo, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt Raymund Liguden, hepe ng MPD-Station 11, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ang tinatayang 5-6 na buwang lalaking fetus sa loob ng common comfort room ng isang apartment na mataÂtagpuan sa C.M. Recto Avenue corner Buenavidez St., Binondo, Manila.
Nabatid umano sa boy ng nasabing apartment na si Regie Almodiel, 29, agad niyang inayos ang reklamo ng ilang tenants hinggil sa baradong inidoro at doon niya nadiskubre ang nakabarang fetus na nakasilid pa sa isang plastic bag.
Iniimbestigahan pa ang posibleng suspek na naglaglag ng anak.