MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga taÂuhan ng Manila City Hall- Manila Action and Special Assignment (MASA) ang mga tindahan ng sex gadgets na sinasaÂbing talamak sa Maynila.
Ayon kay Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., hepe ng MASA, dakong alas 10:40 ng umaga kamakalawa nang salakayin ang overpass sa Quezon Blvd.
Aniya, talamak na ang bentahan ng mga sex toys at gadgets kung kaya agad niyang pinakalat ang kanyang mga tauhan sa paÂngunguna ni Insp. Manuel Laderas.
Dito dinakip sina Alvin Chavez at Joshua Discaya na nahuli sa aktong nagbebenta. Bigo din ang mga ito na magpakita ng kanilang business permit.