Digital Speech Lab, E-Learning Center pinasinayaan sa Manila Science

Ipinakikita ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno ang  makabagong speech lab at E-Learning  Center sa  Manila Science High School.

MANILA, Philippines - Maihahanay na ang   speech laboratory ng Manila Science High School sa mga  paaralan at unibersidad sa   ibang bansa.

Ito’y matapos na  pangunahan nina Manila  Mayor Joseph “Erap” Estrada at  Vice Mayor Isko Moreno  ang pagbubukas ng State of the Art Digital Language laboratory at E-Learning Center sa  Manila Science High School noong Miyerkules.

Ang Speech Lab at E-Learning Center, ang ka­una-unahan sa lungsod na  pakikinabangan ng may 1,000 estudyante ng nasa­bing paaralan na mayroong Sanako language lab, Mimio Interactive toolbar and pad, Projector, 40 high-end laptops, desktop  sa mga guro na nilagyan ng Science, English at Math interactive softwares.

Ayon kay Moreno, ma­palad ang mga estudyante ngayon dahil moderno at kumpleto sa mga kagamitan ang kanilang pag-aaral.

Aniya, hindi niya mali­limutan ang kanyang karanasan nang siya ay nag-aaral pa lamang sa Tondo High School na kulang na kulang sa pasilidad. Gayunman, hindi umano ito naging hadlang upang ituloy niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Lumaki si Moreno sa pagbabasura at pedicab driver kung saan pinagta­tawanan  siya dahil hindi  marunong magsalita ng  Ingles na na­ging inspi­rasyon naman niya upang magsikap.

Natapos ni  Moreno ang kanyang kolehiyo at pumasok sa law school bukod pa sa pagkakaroon ng executive education certificate mula sa  Harvard Kennedy School at University of Oxford.

“All the changes you see in Manila now is a pro­duct of our sincere desire to make the City a better place to live in and nothing is more important­ than investing in the youth of today because they will ultimately be the leaders of our nation,” pagta­tapos ni Moreno.

 

Show comments