MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa kanyang ina, isang binata ang sinaksak ng kanyang kapitbahay sa Caloocan City kamaÂkalawa ng gabi.
Ginamot sa Caloocan Medical Center sanhi ng saksak ng icepick sa kanang kamao si Alejandro Argente, 30, habang black-eye naman ang inabot ng kanyang inang si Manuela, 53, kapwa ng Rosa St., ng naturang lungsod.
Nakakulong naman ang suspek na si Rodolfo Artura Jr., 43; at kapitÂbahay ng mag-ina.
Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi, nasa tapat ng kanilang bahay si Manuela nang lapitan ng lasing na suspek at kinompronta bago biglang sinapak.
Nang makita ni Alejandro ang pangyayari ay agad na sinaklolohan ang ina, subalit pumasok ng kanyang bahay ang suspek at paglabas ay may dalang icepick bago inunÂdayan ng saksak ang una.
Nagawang maiwasan ni Alejandro ang icepick na tumusok sa kanang kamao hanggang sa makiÂÂpagbuno na inabutan ng mga rumespondeng mga tanod.
Inawat ang dalawang lalaki bago dinala si Alejandro sa naturang ospital habang sa presinto idiniretso si Artura.