^

Metro

Dalaga sinaksak ng manliligaw

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang dalaga nang saksakin ito ng kanyang manliligaw makaraang tumanggi ang una na sumama sa suspect sa probinsiya, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot  ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Raquel Mindero, 24, kasambahay at stay-in sa Sucat, Parañaque City sanhi ng tinamong ilang saksak sa kili-kili at dibdib.

Bugbog-sarado naman sa taumbayan ang nadakip na suspek na  si Manuel Orogo, 35,  binata,  car wash boy at naninirahan sa Trece Martirez City, Cavite.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Cris Gabutin, ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa may Service Road ng Roxas Boulevard, Brgy. 70,  Zone 10 ng nasabing lungsod.

Nabatid na bago naganap ang insidente, pinuntahan ng suspek ang biktima sa pinagtatrabahuhan nito sa Parañaque City. Subalit naabutan umano ng suspek  na pasakay na ng jeep ang biktima kasama ang kaanak na inakala nitong uuwi na ng probinsiya.

Hinabol ng suspek ang biktima at pagsapit sa harapan ng Reyes Barbeque sa nasabing lugar ay pilit na isinasama ng suspek  ang kanyang nililigawan  sa kanilang probinsiya sa Albay.

Tumangging sumama ang biktima hanggang sa magtalo ito sa gitna ng kalsada hanggang bumunot ng patalim ang suspect at itinarak sa biktima.

 

vuukle comment

CRIS GABUTIN

DIOS HOSPITAL

MANUEL OROGO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RAQUEL MINDERO

REYES BARBEQUE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with