MANILA, Philippines - Dalawa ang sugatan nang sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ginagamot ngayon sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Mirasol Vicente, 43, barbeque vendor at ang tauhan nitong si Excel Serdilla, 35, kapwa residente ng Riverside St., Tramo, Barangay 156 ng naturang lungsod. Nagtamo ang mga ito ng 2nd degree burn sa kamay at mukha.
Sa imbestigasyon, naÂganap ang insidente alas-11:00 ng gabi sa bahay ni Vicente. Nabatid na dumating sa bahay si Vicente mula sa pagtitinda nang mapuna ang nangangamoy na LPG sa ground floor ng kanilang tatlong palapag na tirahan.
Kaagad namang natukoy ng ginang ang singaw ng LPG na nagmumula sa kaÂnilang single burner gas stove kaya’t isinara kaagad niya ang tangke at inayos ang pagkakalagay ng hose upang maiwasan ang pagsabog.
Makaraan ang ilang miÂnuto ay mag-iinit ng pagkain si Vicente dahil bigla itong nagutom at nang kanyang sindihan ang kalan ay bigla itong nagliyab at sumabog dahil may naipon pang LPG sa maliit na kusina. Dahil sa lakas ng pagÂsabog ay tumilapon ang mga biktima na dali-daling isiÂnugod sa pagamutan.