MANILA, Philippines - Nagtangka umanong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng iba’t ibang uri ng gamot ang 17-anyos na anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo sa loob ng kanilang inuupahang condominium unit sa San Juan City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Atty. Dennis Pangan, abogado ng anak ni Manalo, na hindi na binanggit ang pangalan dahil sa pagiging menor- de-edad nito, matinding depresyon ang dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kliyente na magtangkang kitlin ang sariling buhay dakong alas-10:00 ng gabi.
Naabutan na lamang umano ng kanyang ina ang bata na nakahandusay sa kanilang condo unit sa San Juan City at walang malay, kaya’t kaagad itong isinugod sa pagamutan.
Nag-iwan pa umano ng suicide note ang biktima kung saan binanggit nito ang mga pangako ng ama sa kanya, kabilang ang pagsagot nito sa kanyang tuition fee.
“Kagabi po bandang alas-diyes ay nagtangkang magpakamatay itong pangalawa sa bunsong anak ni Jose Manalo ng Eat Bulaga sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring gamot na nandun at nung abutan po ng kanyang ina ay nakahandusay na po yung bata at wala na pong malay at sinugod po sa pagamutan,†ani Pangan, sa panayam sa radio.
“Laging umiiyak at laging hinahanap yung tatay at hinaÂhanap yung mga pangako ng tatay na siya’y haharapin at sila’y susuportahan. At dahil po sa hindi pagsuporta sa bata, ito nga ay nag-suicide at ’di na pumasok sa eskwelahan tapos nalipat ng eskwelahan. Pinangakuang babayaran yung tuition fee. Hindi binabayaran yung tuition fee. At
last week, sinabihan na hindi mag-aaral yung bata,†pahayag pa ng abogado.
Naniniwala rin ang abogado na labis-labis ang pagdaÂramdam ng bata sa ama dahil nang makausap umano niya ito noong puntahan niya sa bahay ay lagi itong umiiyak at tinatanong kung bakit ganoon ang kanyang ama, na
hindi man umano kinakailangan ang kanyang bunsong kapatid.
Sinabi pa ng abogado na pakiramdam umano ng bata ay inabandona siya ng kanyang ama matapos na hindi man lang bigyan ng kahit ano noong nakaraang Pasko, na patunay na naaalala sila nito.
Sa ngayon umano ay naka-confine sa isang pagamutan sa Pasig City, na hindi na pinangalanan, ang biktima kasama ang kanyang ina.
Matatandaang noong Disyembre 2013 ay nagsampa ng kasong child abuse ang biktima laban kay Manalo sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa pagkabigo umanong bigyan siya ng suportang pinansiyal.