4 pintor hulog mula 4th floor: 3 patay, 1 grabe
MANILA, Philippines - Tatlong construction worker ang nasawi, habang isa pa nilang kasamahan ang nasa malubhang kalaÂgayan, makaraang sabay-sabay na mahulog sa ika-apat na palapag na gusali na kanilang pinipinturahan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ni PO2 Anthony Tejerero, nakilala ang mga nasawi na sina Noel Odot, 33; Emmanuel Cruza, 32; at Mark Truces, 25; pawang mga house painter at stay-in sa kanilang pinagta-trabahuhan sa lungsod.
Patuloy namang inoÂobÂÂserÂÂbahan sa ospital ang kasamahan nilang si Bejan Sapungan, 29, dahil sa maÂtinding tama sa ulo at kaÂtawan na tinamo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang inÂsidente alas-11:41 ng umaga sa may Lipton Building St., Greenville Subdivision, Brgy. Sauyo sa lungsod.
Bago ito, ayon kay Bernie Badayos, nakita pa niya ang mga biktima na nagpipinta sa may ika-apat na palapag ng nasabing gusali.
Ilang sandali, nakarinig na lang umano si Badayos ng malakas ng kalabog mula sa nasabing lugar.
Agad namang pinunÂtahan ni Badayos ang pinanggaÂlingan ng kalabog, hanggang sa makita niya ang mga biktima na duguang nakahandusay sa seÂmento. Nakakabit pa umano ang naputol na bakal na harness sa kanilang mga kaÂtawan.
Sa puntong ito, mabilis na humingi ng saklolo si BaÂdayos sa kanyang mga kasamahan at itinakbo ang mga sugatang biktima sa magkahiwalay na ospital ng Global Medical Center (GMC) at East Avenue Medical Center (EAMC) para magamot.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad ang mga biktima ay pawang nagtamo ng matinÂding pinsala sa kanilang mga ulo at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sanhi ng pagkamatay ng tatlo sa mga ito.
- Latest