Bangkay ng lalaki natagpuan sa MWSS

File photo

MANILA, Philippines – Isang hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa loob ng compound ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa lungsod ng Quezon ngayong Huwebes.

Ayon sa mga pulis, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng MWSS compound sa Barangay Pansol sa distrito ng Balara.

Nakasuot ng puting T-shirt at short ang biktimang nasa 30-anyos, dagdag ng mga awtoridad.

Nakabalot ng garbage bag ang ulo ng biktima na tinalian pa gamit ng packaging tape.

Nakita ring may saksak ang biktima sa kanyang tagiliran.

Paniwala ng mga opisyal ng barangay ay hindi taga sakanila ang biktima at doon lamang sa compound ng MWSS itinapon.

Show comments